Palalawigin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang border control operations kasunod ng unang kaso ng Lambda variant ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa nitong Linggo, Agosto 15.

Ayon kay PCG Spokesperson Armand Balilo, naka-full alert na ang buo nilang puwersa mula pa nang unangmaiulat ang Delta variant sa Pilipinas.

"We have been on alert because of the Delta variant. [We] will just remind our units to step upitsborder control operations because of the Lambda variant,” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Larawan mula PCG

Tumama ang unang kaso ng Lambda variant sa isang 35 na taong gulang na babae at kasalukuyang tinutukoy kung ito’y lokal na residente o nagbabalik bansang overseas Filipino worker (OFW).

Naiulat nitong Linggo na umabot na sa 807 ang kaso ng Delta variant sa bansa matapos maidagdag ang 182 pang nahawaan ng sakit.

Richa Noriega