Nanawagan ang dalawang senador saNational Task Force (NTF) na magkaroon ng mas makatotohanang hakbang kasunod ng naging mungkahi nitong mabakunahan na rin ang mga menor de edad.
Ipinunto ni Senator Nancy Binay na tanging bakunang Pfizer-BioNTech pa lang ang inirerekomenda para sa mga bata at napakababa pa ng suplay nito sa bansa.
“Agree ako na mabakunahan din 'yung mga bata, at suportado ko 'yung initiative na mas maraming age groups ang mabigyan ng bakuna. But at this point, Pfizer is the only vaccine approved for children,” pahayag ni Binay.
“Baka kasi paasahin na naman ang marami sa wala. The focus should be directed to the vulnerable sectors,” sabi ni Binay
“Yung mga 'di pa nababakunahan—jeepney and bus drivers, street vendors, those in frontline-backend service industries and many more, including senior citizens and those with comorbidities who have to go out of their homes to work,” punto ni Binay.
Dahil sa kakulangan ng bakuna, hindi umano patas na pag-usapan ang pagbabakuna sa mga bata habang hindi pa nababakunahan ang ilang priority groups kung tawagin.
“I just hope that the IATF (Inter-Agency Task Force) and DOH (Department of Health) can manage people’s expectations with regard the availability of vaccines. So, let’s be more practical and realistic,” pagbibigay-diin ni Binay.
Kaugnay nito, iginiit ni Senate Committee on Women and Children chairwomanRisa Hontiveros na dapat isaalang-alang ang kaligtasan ng mga bata.
Umaasa si Hontiveros na maglalaan ng panahon ang mga manufacturers para sa ilang pediatric trials ng bakuna kontra Covid-19.
“So far, the WHO (World Health Organization) has confirmed that only one brand is suitable for use on people aged 12 and above, and such brand should be made available to the children who are at high risk,” sabi ni Hontiveros.
Hannah Torregoza