Sinalubong ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang karagdagang Moderna vaccine na dumating sa bansa nitong Linggo ng hapon.

Dakong 3:30 ng hapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang Singapore Airlines flight SQ912 lulan ang 326,400 doses mula bansang Singapore.

Larawan mula BOC-NAIA

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang BOC ang inatasang magbigay clearance sa mga dumarating na bakuna sa Pilipinas. Ang nasabing kargamento ay inilipad patungo sa bansa sa pamamagitan ng pandaigdigang hakbang ng COVAX facility na itinatag upang masiguro ang pantay na pamamahagi ng bakuna, lalo na sa mga mahihirap na bansa.

Nabigyan ng clearance ang mga kargamento matapos maglahad ng dokumento ang kinatawan ng Department of Health (DOH) at Food and Drugs Administration (FDA).

Ariel Fernandez