Nakipagpulong si Bise Presidente Leni Robredo kay Senador Ralph Recto nang bisitahin siya ng huli sa kanyang opisina sa Quezon City, nitong Huwebes.

“Great lady,” ayon kay Recto sa kanyang Facebook post na kasama ang bise presidente sa isang larawan.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Thank you for the visit, Senate President Pro Tempore Ralph Recto.” ani Robredo nang ishinare niya ang post ni Recto.

Nangyari ang pagpupulong na ito matapos isiwalat ni Recto ang posibilidad na magpapalit sila ng pwesto ng kanyang asawa na si Batangas 6th District Rep. Vilma Santos Recto sa susunod na eleksyon.

Ayon kay Recto, maaaring tumakbo ang kanyang asawa bilang senador habang papalitan niya ang pwesto nito sa House of Representatives. Inaasahan ang pinal na desisyon bago ang filing ng certificate of candidacies sa Oktubre.

Miyembro ng Nacionalista Party si Recto at ang kanyang asawa na pinangungunahan ng dating Senate President Manny Villar.

Kaugnay nito, hindi pa rin nakakapagdesisyon si Robredo kung siya ay tatakbo bilang presidente sa susunod na taon.

Genalyn Kabiling