Arestado ang isang empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa Biñan, Laguna matapos ang isinagawang entrapment operation, walong oras matapos makatanggap ng reklamong pangingikil ang Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Ayon sa ARTA, ang suspek, na hindi nilantad ang pagkakakilanlan, ay isang collecting officer at concurrent custodian ng BOC sa Laguna Technopark, Inc sa Biñan, Laguna.

Timbog ang naturang empleyado noong Agosto 4 matapos magsanib puwers sa isang entrapment operation ang ARTA at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa pahayag ng ARTA, nakatanggap ng reklamo ang kanilang ahensya mula sa isang negosyanteng may scrap materials business noong Miyerkules, ika-8 ng umaga. Ayon sa nagreklamo, ang Custom employee ay nagtangkang mangikil ng 100 porsento ng buwis sa bawat transaksyong maisasakatuparan.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ikaw-4 ng hapon, parehong araw, nang agad ding mahuli ng ARTA at CIDG ang naturang suspek.

Nasa kustodiya ng CIDG ang suspek at nahaharap sa ilang kaso kaugnay sa Ease of Doing Business Act.

Binati ni Director-General Jeremiah Belgica ang ARTA-CIDG sa mabilis at matagumpay nitong operasyon.

“True to our commitment to the Filipino public, you will see that we are not just going after small-time fixers, but government employees and officials as well,” sabi ni Belgica.

“Through the continuous application of our snake-grab approach, we will eventually get to the body and head of the snake in the government offices,” dagdag nito.

Natutuwa ang ARTA chief sa dumaraming tao na humihingi ng tulong para labanan ang red tape sa gobyerno.

“Although ARTA has been operating undercover against fixers even after just receiving anonymous tips, we are happy that there are people who now directly come to us to file their complaints,” pahayag ni Belgica.

Hinikayat ni Belgica ang publiko na lumapit at mag-ulat lang sa ARTA sa oras na maranasan ang parehong insidente nang sa gayon ay magwakas na ang red tape sa gobyerno.

Argyll Cyrus Geducos