Matapos ulanin ng batikos ang unang pahayag ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar sa hindi pagpayag nito sa sistemang ‘hatid-sundo’ para sa ilang APORs (Authorized Persons Outside of Residence) nitong Miyerkules, agad ding binawi ng hepe ng pulisya ang naturang anunsyo.

“Ngayon po, after weighing all these things, nagbigay po ng bagong guidance ngayon na ia-allow na po ‘yun, itong mga ito, itong mga non-APOR na maghahatid sa ating mga APOR,” sabi ni Eleazar sa programa sa telebisyon nitong Huwebes.

Kabilang sa mga hahanaping dokumento sa mga maghahatid o magsusundong non-APORs ay ang certificate of employment ng susunduin; kalakip ang business permit ng kompanyang pinapasukan, pangalan ng susundong driver, plate number ng sasakyan, at contact number ng APOR.

Unang binanggit ni Eleazar na maaring gawing palusot ang sistemang ‘hatid-sundo’ ng mga hindi kabilang sa kategoryang APORs.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Samantala, nagpasalamat naman ang Commission on Human Rights o CHR matapos tugunan ng PNP ang kanilang naunang panawagan.

“We thank thePhilippine National Policefor reconsidering their earlier pronouncement and for heeding to the clamor of APORs and essential workers to allow 'hatid-sundo' during the ECQ period. This will help ensure their safety and welfare while allowing them to provide crucial services to the rest of the populace under strict quarantine,” pahayag ng CHR sa kanilang Facebook page.

Muling isasailalim sa enhanced community quarantine ang buong Metro Manila simula ngayong araw, Agosto 6.