Dahil sa mahigpit nilang pagpapatupad ng COVID-19 health and safety protocols, ipinagpaliban na naman ng pamunuan ng Philippine Basketball Association ang laban ng Blackwater at Phoenix sa Ynares Sports Arena sa Pasig City nitong Sabado, Hulyo 31.

Ang laro na dapat magsisimula dakong 2:00 ng hapon ay ililipat na lamang ng ibang petsa.

Tuloy naman ang huling laban na nakatakda dakong 4:30 sa pagitan ng Meralco at Alaska.

Ito na ang ikatlong pagkakataon ngayong 2021 Philippine Cup na nag-postpone ng laro ang PBA dahil sa safety protocols.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Marivic Awitan