Asahan na ng publiko ang tagos sa puso na huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 26, kung saan idedetalye nito ang malalaki niyang hakbangin na nais na matupad para sa nalalabing panahon sa puwesto.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na naging abala ang kanyang tanggapan upang matiyak na magkaroon ng impact ang SONA ng Pangulo.
Sinasalamin aniya ng nasabing special event ang pagiging pinuno ni Duterte
“With our last year in the Duterte administration, we will ensure that this year’s SONA will be etched in the hearts and minds of the Filipino people that we’ve worked hard to serve,” aniya.
Sa panig naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang SONA mismo ang magsasabi kung hanggang saan ang narating ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Inaasahan ding ihahayag ng Pangulo ang aasahan pa ng publiko sa 10 buwan pa niyang pananatili sa puwesto.
“Ang magiging porma ng SONA niya ay titignan niya ang nakalipas na limang taong siya’y naging Presidente.Po-focus siya, siyempre, sa pag-unlad ng bayan, sa ating mga social programs, infrastructure, peace and security, foreign policy.Sasagutin niya ang tanong na ‘What and where are we now?’, and ‘Looking forward’ doon sa huling taon ng panunungkulan ng ating Presidente,” paglalahad ni Roque.
Tiniyak din ni Roque na hindi tatalakayinng Pangulo ang plano nito para sa eleksyon sa 2022.
“Siguro po hindimapapasamaang kanyang mga planong politikal.Ang importante is the roadmap for his last year in office,” pahayag nito.
Inaasahang aabot sa 400 ang dadalo sa SONA sa Batasan Hall ng Batasang Pambansa.
Argyll Cyrus Geducos