DAVAO CITY— Positibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Davao City vice mayor Sebastian “Baste” Duterte, ayon kay Mayor Sara Duterte.

Nitong Miyerkules, nag post si Mayor Sara ng screenshot ng kanilang video call kasama sina Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang dating asawa na si, Elizabeth Zimmerman, Davao City 1st District Representative Paulo “Pulong,” at Vice Mayor Sebastian.

Photo Courtesy: Mayor Inday Sara Duterte /Facebook

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Aniya, video call muna ang kamustahan nilang pamilya matapos nilang malaman na nagpositibo sa COVID-19 si Vice Mayor Baste, bunsong anak ni Pangulong Duterte, at inaasahan ang pag galing nito sa lalong madaling panahon.

Hindi nabanggit kung paano nakuha ng vice mayor ang COVID-19. Hindi pa rin malinaw kung ito ay nakararanas ng sintomas o kung ito ay nasa isolation sa temporary treatment and monitoring facility (TTMF).

Nitong Hulyo 21, nakapagtala ang DOH-Davao ng 205 na bagong kaso ng COVID-19 sa Davao City, nasa 28,903 ang kabuuan na kaso kasama ang 2,096 na aktibong kaso, 25,819 na gumaling, at 986 na namatay.

Antonio Colina IV