Iniutos ng Manila Metropolitan Trial Court na arestuhin si Peter Joemel Advincula, alyas ‘Bikoy’ matapos hindi siputin ang itinakdang arraignment sa kinakaharap na kasong perjury nitong Miyerkules ng umaga.

Bukod dito, binawi rin ni Judge Karla Funtillan-Abugan ng Branch 17 ang piyansang unang inilagak ni Advincula dahil sa hindi pagdalo sa arraignment.

Dahil na rin sa kanyang warrest warrant, dinoble na ng korte ang piyansang P18,000 na dapat nitong ilagak para sa kanyang pansamantalang kalayaan. 

"In view of the failure of the accused to appear in today's hearing despite notice and upon motions of both the private prosecutor and public prosecutor, let the cash bail posted by accused Peter Joemel Advincula be forfeited and confiscated in favor of the government," anang isang pahinang kautusan ni Abugan.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

“Issue a warrant of arrest against him with bail; set double the amount of the previous bail posted by the accused,” sabi pa ni Abugan.

Si Advincula ay kinatawan ng kanyang abogadong si Atty. Domingo Miguel Carillo na nagpakilalang mula sa law firm ni Atty. Larry Gadon.

Dumalo naman sa arraignment ang mga abogadong sina Attys. Chel Diokno, Ted Te at Erin Tanada na pawang mula sa Free Legal Assistance Group (FLAG) na siyang naghain ng kaso laban kay Advincula.

Matatandaang ang mga naturang abogado ay nagsampa ng perjury laban kay Advincula dahil under oath ito nang akusahan sila nito na umano’y sangkot sa "Project Sodoma" o ouster plot kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng online videos na "Ang Totoong Narcolist."

Muli na lamang itinakda ng korte ang arraignment sa Agosto 26, 2021, ganap na alas-8:30 ng umaga.

Mary Ann Santiago