Dalawa pa sa nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Malabon City ang namatay, kamakailan.

Dahil dito, aabot na sa 457 ang naitalang binawian ng buhay sa lungsod, ayon sa datos ng City Health Department.

Kaugnay nito, nakapagtala pa ang lungsod ng 17 panibagong kaso ng sakit nitong Miyerkules kaya naging 13,704 na ang kabuuan ng tinamaan nito sa lugar.

Kabuuang 13,168 naman na pasyente ang nakarekober sa sakit sa siyudad na muling nag-abiso na pairalin pa rin ang mahigipit na pagpapatupad ng safety at health protocol upang hindi na lumaganap pa ang virus.

Sen. Bato handa raw maging patas sa impeachment trial ni VP Sara

Orly Barcala