SANCHEZ MIRA, Cagayan - Dead on arrival sa ospital ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos sumalpok ang inangkasang motorsiklo sa Manila North Road sa Barangay Callungan, kamakailan.

Sa report ng Cagayan Provincial Police Office. nakilala ang nasawi na si Roy Genova, 22, at taga-Brgy. Magsidel, Calayan, Cagayan at miyembro ng PCG.

Sugatan naman ang angkas at kasamahan sa PCG na si Jecksters Duerme, 26, taga-Brgy. Dacal, Sanchez Mira, at isinugod sa Northern Cagayan District Hospital.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, pauwi na ang dalawa, sakay ng motorsiklo nang maganap ang aksidente, nitong Biyernes ng gabi.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Tinangka umanong iwasan ng nagmamanehong si Genova ang kasalubong na sasakyan na sumakop sa kanilang linya, gayunman, sumalpok pa rin sila sa kongkretong pader.

Matinding pinsala sa ulo at katawan ang ikinamatay ni Genova, ayon pa sa pulisya.

Liezle Basa