Bukod sa pag-uumpisa sa acting, unti-unti na ring gumagawa ng pangalan sa hosting ang lalaki sa kambal na anak ng mag-asawang Carmina Villaruel at Zoren Legaspi na si Mavy.

Mukhang nakita agad ng Kapuso network ang talent dito ng bagets kaya nasama agad sa isang comedy-gag variety show na 'Flex.' Bukod pa sa pagiging regular sa “Sarap, 'Di Ba?” at “All Out Sundays.”

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Pang millennials at gen Z ang “Flex” na magtatampok umano ng mga talentadong performers sa pamamagitan ng sketches at production numbers.

“Kung anuman meron ka I-flex mo” yan ang slogan ng show. Kasama sa show ang iba pang teen star ng GMA na sina Jd Domagoso, Althea Ablan at Lexi Gonzales.