Tuluyan nang nabuo bilang bagyo nitong Biyernes ang nauna nang namataang low pressure area (LPA) matapos itong pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

Sa abiso ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 1,335 kilometro Silangan ng Hilagang Luzon.

Paliwanag ng PAGASA, inaasahang paiigtingin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat na magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.

Gayunman, nilinaw ng ahensya na hindi tatama sa kalupaan ang bagyo.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?