Maraming fans ang kinilig sa mga sweet comments ni Dominic Roque.

Kamakailan lamang, nagkomento ang aktor ng three hearts emojis sa post ng kanyang rumored girlfriend na si Bea Alonzo.

Well, tinugon naman ito ng aktres na nag-reply din ng three heart emojis.

Bago ito, una nang nagkomento si Dominic ng “i*y. (winky-kissy face throwing a kiss emoji)” sa isang IG post ni Bea.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Kasalukuyang nagbabakasyon sa abroad ang dalawa.

Matatandaang recently, ay spotted ang dalawa na dumating sa Los Angeles.

Bagamat walang kumpirmasyon mula sa dalawa, kumbinsido naman ang netizens na magkasamang nagbabakasyon sa Amerika ang dalawa.

Marami rin kasi ang nakapansin sa mga pagkakatulad ng kanilang mga post sa social media.

Isang netizen ang nakapansin sa ‘appearance’ ni Dominic sa isang IG story ni Bea sa Lovers Point Beach.

Naniniwala sila na ang aktor ang may hawak ng cookie na kinakain ni Bea.

Katulad kasi ang kamay at damit ng lalaking nasa photo sa suot ni Dominic sa isang hiwalay na post.