Halos isa't kalahating milyon na ang nahahawaan ng coronavirus disease 2019 sa bansa.
Ito ay matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang panibagong 5,221 kaso ng sakit nitong Huwebes ng hapon.
Sa case bulletin No. 488 ng DOH, binanggit na sanaturang kabuuang bilang, 3.1% na lamang naman o 45,495 ang aktibong kaso, kabilang dito ang 91.4% na mild cases, 2.8% severe cases, 2.1% asymptomatic, 1.96% na moderate at 1.7% na kritikal.
Samantala, nadagdagan rin naman ang bilang ng mga gumaling sa karamdaman ng 4,147 bagong recoveries kaya’t umaabot na ngayon sa kabuuang 1,418,856 ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 95.2% ng total cases.
Maging ang mga namatay dahil sa kumplikasyon sa sakit ay nadagdagan rin naman ng 82.
Dahil dito, nasa 26,314 na ang death toll ng COVID-19 sa Pilipinas o 1.77% ng total cases nito.
Mary Ann Santiago