Kaya mahal si Zsa Zsa Padilla ng mga anak at relatives ni Dolphy dahil hanggang ngayon, kahit masaya sa bago niyang pag-ibig, hindi pa rin nakalilimutan ang Comedy King sa birthday nito at sa death anniversary.

Gaya na lamang noong July 10, sa 9thdeath anniversary ni Dolphy, bumisita si Zsa Zsa sa puntod nito, nagdala ng bulaklak at nag-offer ng dasal.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sabi nito, “Today is Dolphy’s 9thdeath anniversary. Please say a little prayer for him #kingofcomedy.”

May nag-comment ng “It’s so admirable how you still celebrate him and that your love for him has not changed” at “In-admire ko talaga si Ms. Z. Hanggang ngayon di siya nakakalimot kay Comedy King.”

Samantala, ang daming tanim sa Esperanza Farms nina Zsa Zsa at partner niyang si Conrad Onglao sa may  Lucban, Quezon. Malapit ito sa Casa Esperanza, ang ipinatayo nilang resort ni Conrad.

Nitz Miralles