Opisyal nang inilabas ang trailer ng “Revirginized” at marami ang nagulantang sa mga linyang binitiwan ni Sharon Cuneta. Very raw ang dialogue at maging ang Megastar ay hindi makapaniwalang nagawa niya ito.

Ang pinag-uusapang trailer at ang pelikula sa kabuuan ay sadyang kagulat-gulat. Pinagpipistahan din ang beach scene nina SHARON at ng batang leading man Marco Gumabao. Panawagan ni SHARON, pelikula lamang ito na ang role niya bilang Carmela ay tunay na naiiba. Hiling pa niya, maging malawak sana ang isipan ng mga manonood at mag-enjoy na lang sa pelikula. Malaking challenge ito sa pagiging artista sa loob ng apat na dekada.

Mula ng ilabas ang trailer ay humataw na ng mahigit na 8 million views sa Facebook ang trailer nito. Tumanggap ang Megastar ng congratulatory message mula sa mga celebs tulad nina kina Iza Calzado, Alex Gonzaga at Angel Locsin.

Sa August 6 na mapapanood ang “Revirginized” na dinirek ni Darryl Yap sa Vivamax.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador