Sa gitna ng pandemya, maraming mga bagay ang nadiskubre at nauso para lang maibsan ang kabagutan sa kabahayan.

Kagaya na lamang ni Edimar Paclibar, 28yrs old, mula Jaro, Iloilo City. Isang project coordinator na nakadiskubre nang bagong hilig niya— ang paggawa ng leaf art.

“I actually also have a background in painting particularly in watercolor painting, but when I discovered leaf art I feel like I should give it a try kasi parang ang unique nya na form of art.” aniya sa isang panayam sa Balita.

Marami na siyang nalikhang obra mula sa dahon. Katulad na lang ng sikat na boy group na BTS, sikat na mga babaeng artista sa Pilipinas katulad nina; Jane de Leon, Julia Baretto, Megan Young, atbp! Pati na rin ang mga magagandang lugar sa Iloilo.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

BTS leaf art:

Photos from: Ukit Dahon/FB

Celebrities:

Ilang lugar sa Iloilo:

Dahon ng Langka ang kaniyang ginagamit at napupulot niya lang ito sa kanilang kapaligiran. Sa Facebook page na, Ukit Dahon, madalas niyang ibida ang kanyang obra, marami ang nakakakita nito at may mga netizens na nagustuhan ang kanyang mga gawa kaya may mga nagpapa komisyon sa kanya o bumibili ng kanyang leaf art.

Dito nagsimula ang kaniyang sideline na leaf art making at kumikita siya ng 1,000 pesos kada artwork ngunit ito ay depende sa pinag gayahan niyang litrato.

“The pricing really depends upon the photo to be used as reference. But usually for a portrait leaf art abot na rin siya mga 1,000 pesos per piece.” ayon kay Paclibar

Walang pera na nilalabas si Edimar, tanging pagsisikap lamang ang naging puhunan niya.

“Kapag may time, I also accept commissions for leaf art and with this form of art ang puhunan ko po dito is hard work, patience, creativity and also a good type of cutter.” aniya.

“It’s such a really nice feeling ‘pag may nagpapa-commission for leaf art and appreciate my work. It keeps me motivated and to do well more in my craft.” dagdag pa niya.

Sa mga artist na kagaya ni Edimar, nakatutulong ito sa kanya upang makapag meditate at makapagbigay ng fulfillment at satisfaction.

“Just like some form of art, doing leaf artworks really helps me focus on what I do and sometimes brings me to a meditative state of mind, so yeah it really gives me a great sense of fulfillment and satisfaction.”

“With this particular form of art, iniimprove ko pa yung self ko by trying to think or explore more kung ano pa yung pwede kong magawa with this kind of art.” dagdag niya.

May iba't-iba tayong hilig gawin sa buhay, ikaw nasubukan mo na ba pagkakitaan ang iyong hilig?