Itinanggi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)nitong Linggo, Hulyo 4 ang pahayag ni Sen. Manny Pacquiao na nawawala ang P10.4 billion na pondo ng Social Amelioration Program (SAP).
“Nais din natin bigyan diin na wala pong quote and quote nawawalang pondo hinggil dito sa SAP implementation.” Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao sa kanyang pahayag sa TeleRadyo.
“All our financial transactions are accounted for. Gayundin po tinitiyak natin na.” punto niya.
Sa isang virtual presser noong Sabado, isiniwalat ni Pacquiao na P10.4 bilyong halaga ng pondo ng SAP ay hindi ibinigay sa mga benepisyaryo. Aniya, higit kumulang P50 bilyon ang nakalaan para sa Starpay e-wallet service ngunit ito ay nagbayad lamang ng kapital na P62,000.
Ipinaliwanag ni Dumlao na ang mga pondo ng SAP na nadownload sa mga financial service provider (FSPs), kasama na ang Star[ay ay naibalik sa DSWD.
“The FSPs, kabilang ang Starpay, ni-liquidate po lahat ng budget na kanilang natanggap at kung anuman ang pondo na hindi naibigay duon sa ating unserved beneficiaries ay kanila naman pong nirefund sa DSWD and this refunded amount is now being distributed duon sa natitira pang SAP beneficiaries.” aniya.
Sa isang Viber message sa Manila Bulletin, sinabi ni Dumlao na ““DSWD maintains no “missing” funds.”
Ayon sa DSWD official, handa silang humarap sa kahit anong imbestigasyon tungkol sa sinasabing nawawalang pondo ng SAP, at ang diumano’y kabiguan nitong magbigay sa 1.3 beneficiaries sa paggamit ng Starpay e-wallet.
Sinabi ni Dumlao nitong Sabado, Hulyo 3, na sila ay“willing to shed light” sa mga alegasyon ni Pacquiao laban sa paghahawak ng gobyerno sa SAP distribution, partikular sa digital payment ng second tranche ng cash subsidies sa ilalim ng already-lapsed Republic Act no. 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act”, na mas kilala bilang Bayanihan 1.
Charissa Luci-Atienza