Viral sa social media ang post kamakailan ng A2Z Channel 11.

Inanunsiyo ng free TV channel, na kasalukuyang nag-eere ng maraming programa ng ABS-CBN sa ilalim ng block time partnership sa Zoe Broadcasting Network ang pagdating ng sikat na robot cat mula sa iconic anime series na “Doraemon.”

“Muli nang magbubukas ang kanyang mahiwagang bulsa!” mababasa caption.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

https://web.facebook.com/OfficialA2ZPH/posts/303805928151702

Pero ang teaser photo ng anime series, tila panggagaya sa teaser na ginamit ng GMA-7 sa paglipat ni Bea Alonzo, kamakailan.

https://web.facebook.com/GMANetwork/photos/5893890963970585

Maraming netizens naman ang natawa sa pakulong ito ng A2Z.

Ilan netizens din ang nagsabi na tila “mockery” sa aktres ang natural promotional teaser.

“THE SHADE OF IT ALL!!! (rolling on the floor laughing emojis),” say ng isang online user.

Dagdag ng isa: “Bea left the group! (rolling on the floor laughing emojis).”

“I see what you did there (face with tears of joy emoji).”

May ilan ding nagsabi na pag-alis ni Bea at pagkuha sa Doraemon ay isang “magandang palitan.”

Gayunman, taong 2019 nasa ABS-CBN ang anime show. Naputol lamang ang pag-ere nito ng mabigo ang network na makakuha ng prangkisa.

Ano ang masasabi nyo?