Bukas pa ipakikilala ang“award-winning actress”na magiging bagong Kapuso pero kumbinsido na ang marami na ito ay walang iba kundi si Bea Alonzo.

Sa panibagong teaser na inilabas ng GMA-7 nitong Hulyo 30, nakasulat sa photo ang “one of the biggest artists in Philippine showbiz will be a Kapuso” pero naka-red highlight ang “be a” sa pahayag. Dagdag pa rito, may pasilip din sa mukha ng bagong Kapuso actress at sa palagay ng mga netizens ay si Bea ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

https://twitter.com/gmanetwork/status/1410130672807661571?s=03

Una rito, inilabas ng GMA-7 ang isang teaser photo kung saan nakasulat ang “An award-winning actress will soon be a Kapuso.”

Maging sa Twitter ay usap-usapan na rin ang paglipat ni Bea. Halo-halo ang reaksyon ng online users na may ibang maagang nagpahayag ng suporta sa aktres habang ang iba naman ay tila hindi masaya sa balita.

Komento ng isa, “With Bea Alonzo’s transfer sa GMA, sana magawan sya ng mga projects that will help her showcase her skills. Sa dami ng nambabash sa kanya, support na lang sana ung iba. Wag ka na dumagdag pa kasi minsan mo ding sinubaybayan at minahal si Bea.

Para sa isa user, “Si Bea Alonzo na ba ang sagot sa suliranin ng Kapuso Network? Charot.”

Tweet pa ng isa, “I already unfollowed and unsubscribed Bea Alonzo. Forever Kapamilya ako.”

Habang malaman naman ang pahayag ng isa pang user, “Bea Alonzo will not be a Movie queen, if not for ABS-CBN and star cinema who give and trust her with good projects. And also because od ABS-CBN is the best and biggest platform in movies and television. Abangan ka namin sa GMA pictures Bea lol movie queen no more bye.”

Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon, ibinahagi ng ABS-CBN na hindi na bahagi si Bea ng Star Magic. Sinundan ito ng anunsiyo na bibida si Bea saPhilippine adaptation ng “A Moment to Remember” katambal si Alden Richards.

Bukod dito may ilan pang pelikula na nakalinya sa aktres, kabilang ang reunion movie nila niJohn Lloyd Cruz.

Sakaling si Bea nga ang bagong Kapuso, maging daan kaya ito para magkasama sila ni John Lloyd Cruz isang serye, na una nang lumagda ng proyekto sa Kapuso network? Abangan natin.