Kaabang-abang ang bagong serye nina Kapamilya starsKit Thompson at Erich Gonzales. Bukod sa first time ng dalawa na magsasama sa isang serye, ito rin ang unang proyekto ni Kit matapos magwaging best actor sa WorldFest Houston International Film Festival nitong nitong Abril.

“With having a new partner, I always try to know ano ba yung magugustuhan ko dito sa tao na ‘to. Sobrang dali niya katrabaho. Super supportive as a co-actress. Kasi may tension ako nung una. Medyo tense talaga ako nung una pero nung pinakita niya sa akin na it’s going to be okay, we worked from there and dun nag-build yung trust namin sa isa’t isa during taping for the show,” kuwento ni Kit.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa ng aktor, naiiba, aniya ang role niya bilang si Miguel Villarica, na isa sa mga lalaki sa buhay ni Lena na gagampanan ni Erich Gonzales sa teleseryeng La Vida Lena.

“Magkakagusto talaga ako kay Lena May redemption din dito si Miguel. Actually sa bandang dulo na yun, yung talagang ma-ri-realize niya yung mga ginawa niya sa buhay niya at saka yung mga sinaktan niya. Everything’s that he’s done, makaka-redemption siya. So yes magugustuhan niya si Magda pero tingnan na lang natin kung magkakatuluyan ba ito,” saad pa ni Kit.

Isang revenge story ang serye, kaya naman sinabi ni Kit na maraming mapupulot na aral ang mga viewers dito.

“Makikita nila dito to what extent ba ang kaya mong gawin para protektahan yung pamilya mo? That question, yun yung pinagdaanan ni Magda. Dun siya na-trigger na lumaban, to fight for what’s right or what she thinks is right. To protect her family, to protect herself, to prove herself. Pero more than that, I think it is to protect her family,” say pa ng aktor.

Mapapanood ang La Vida Lena sa A2Z at TV5 mula Lunes, 10:00 ng gabi.

Ador V. Saluta