Ang “The World Between Us”  ang papalit sa time slot ng “First Yaya” nina Sanya Lopez at Gabby Concepion na mataas ang rating. Ang tanong kina Alden at director Dominic Zapata, hindi ba sila pressured na ma-maintain o mas taasan pa ang ang mataas na rating nang papalitan nilang show?

Sagot ni Alden, “Wala sa isip ko to compete dahil lahat ng shows sa GMA pinaghihirapan. Wala rin kaming gustong pantayan na show. First Yaya performed well and we hope, suportahan din ng Kapuso viewers ang The World Between Us.”

Sabi naman ni direk Dom, “Nagpapasalamat kami sa First Yaya na mas pinataas pa nila ang rating ng first slot ng primetime ng GMA. We guarantee the viewers and the network, we will not let you down.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Bagong Alden ang mapapanood ng kanyang supporters dahil kung sa simula ng story ay mabait siya, magbabago si Louie (his character) at gagantihan ang mga umapi sa kanya.

“Medyo, gray ang character ko rito sa and the last time I played a bad character ay sa The Road pa, kaya excited ako at first time ko gagawin na ang character ko wil take revenge. Abanga n’yo ang mga gagawin ko,” patuloy ni Alden.

Malaki rin ang tiwala ni Alden na susuportahan ng kanyang fans ang The World Between Us  at tatanggapin ang tambalan nila ni Jasmine. Pinasalamatan nga nito ang kanyang “true fans” na kahit ano ang project niya at kahit sino ang leading lady niya ay tinatanggap at masaya para sa kanya.

Nitz Miralles