Humingi ng dalawang linggong palugit ang organizers ng 2021 Vietnam Southeast Asian Games upang makapagdesisyon kung ipagpapaliban ang pagdaraos ng biennial games ngayong taon.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino, hindi nakapagbigay ng kanilang desisyon ang organizing body ng 31st SEA Games sa naganap na virtual meeting ng SEAG federation.

Sa halip ay humingi sila ng 14-day window upang makabuo ng resolusyon sa kahihinatnan ng  biennial meet

"No decision yet. Another 14 days.They asked for an extension to decide," aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sakaling tuluyang ma-postpone ang Vietnam SEA Games, tiniyak naman nito na matutuloy ang 2023 edition nito dahil siguradong itutuloy ito ng magiging host na Cambodia.

Marivic Awitan