Sa kuwento ni mommy Min Bernardo, nanay ng aktres na si Kathryn Bernardo, matagal na raw palang pangarap ng anak na magkaroon ng sariling studio. Since busy at inabutan pa ng pandemic, pansamatalang naitsapuwera ang plano .

Sa kanyang latest vlog nitong Sunday, June 6, sinabi ni Min na siya mismo'y nag-decide na ipagawa ng studio si Kathryn as her surprise birthday gift to her daughter.

Screencap mula sa Youtube

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Matagal na namin balak ang magkaroon ng studio. Pero balak lang 'yun, akala ni Kathryn wala akong ginagawa for that. Pero since nung October, nakausap ko na ang kanyang architect, ang kanyang contractor, para tulungan ako kung paano namin mapapagawa yung studio na hindi nalalaman ni Kath,” pagbabahagi ni mommy Min sa kanyang vlog kung saa'y dokumentado rin ang construction of Kathryn’s studio.

Siyempre pa, hindi magagawa ni Min ang plano na mag-isa. Isa sa mga kinutsaba niya ay si Daniel Padilla, ang boyfriend ni Kathryn, sinabihan ni Min ang aktor na ito'y sikreto at siya ang isa sa mga kinausap niya along with actress’ makeup artist and close friend John Valle.

Pahayag pa ni Min, "Supposed to be, ibibigay ko sana 'to sa last birthday niya. Kasi 25th birthday niya(March 26), hindi siya nakapag-enjoy kasi ito na naman, lockdown na naman. Kinausap ko si Daniel, sabi ko, 'DJ, meron akong isu-surprise sa kanya.’ Tulungan mo 'ko, so alam ni DJ yung mga pinagagawa ko. Minsan pinupuntahan ni Daniel 'yun. Syempre hindi alam ni Kathryn,” ani Min.

Kathryn

Pahayag pa ng mommy ni Kath, gusto raw niyang magkaroon ng sariling studio ang anak para magkaroon ito ng space sa paggawa ng mga commercials, pictorial at tapings para sa bago nitong segment sa "TGIS" sa sariling YouTube channel, "Everyday Kath".

"'Yun ang naisip namin kasi napapansin namin especially dito sa Quezon City, kokonti ang studios dito. Nag-decide na 'ko na gawin 'to kasi para meron tayong place para sa mga small gatherings. So pwede na 'to sa kanyang commercials, sa pictorials, and most especially sa 'TGIS' niya,” sabi ni Min.

May kasabihang, 'huli man daw at magaling(o mamahalin), maihahabol din'.

"Last May 22, nag-decide na ako na ibigay ko na yung surprise na 'to kahit hindi pa ganun totally finished,tinawagan ko 'yung glam team niya, yung mga kakuntsaba ko rito sa studio na 'to, kung papaano 'to mabubuo, and especially si DJ.”

Ayon naman kay Kathryn, hindi siya makapaniwala na finally, ay meron na siyang sariling studio, ayon sa paglalarawan niya sa kanyang vlog, na hindi rin maubos-ubos ang pasasalamat sa kanyang mommy Min, sa napakahalaga at napaka-sweet na surprise sa kanyang kaarawan.

"It's June already but turns out my birthday celebration isn't over yet! Thank you so much mama and to everyone who took part in this sweet surprise. I can't believe I finally have my very own studio!" pahayag ni Kathryn.

Ador V. Saluta