Mula sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga posibleng idaos ang susunod na PBA Philippine Cup alinman sa Ynares Sports Center sa Antipolo o sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ang dalawang Ynares gymnasium ang mga nangunguna sa kinukunsiderang playing venue para sa susunod na Philippine Cup ng PBA Season 46 na posibleng masimulan ngayong buwan o sa bungad ng Hulyo.

Nakipag-usap na si PBA Commissioner Willie Marcial kay Antipolo Mayor Junjun Ynares para sa posibleng paggamit nila ng Ynares Sports Center.

At kung mapagdesisyunan nila na idaos mga laro sa Ynares Sports Arena, bukod sa pahintulot ng provincial government ng Rizal ay kailangan din nilang hingin ang pahintulot ng city government ng Pasig.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pero bago mangyari ang mga plano ng PBA, kailangan din nilang maghintay ng susunod na anunsiyo ng Inter-Agency Task Force hinggil sa quarantine classification para sa National Capital Region Plus hanggang Hunyo 15.

"We'll discuss the finer details of plans after June 15," sabi pa ni Marcial.

Marivic Awitan