Mula sa pagiging host ng “Eat Bulaga,” certified working girl abroad na ngayon ang aktres na si Ruby Rodriguez!

“First day of new normal for moi #workinggirl#subwayislife,” pagbabahagi ni Ruby sa social media, mula sa isang post ng GMA News.

Nagtatrabaho ngayon si Ruby, 55, sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.

Setyembre last year, nang mabanggit ni Ruby ang kanyang pagkawala sa longest-running noontime program sa telebisyon sa Pinas.

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

Isang netizen ang nagtanong kung babalik pa siya ng “Eat Bulaga.”

Sagot ni Ruby: “Sila tanungin mo.”

Bago ito, naospital si Ruby dahil sa stomach ailment. Namatay rin ang kanyang kapatid na babae sa COVID-19.

Taong 1991 pa nagsimula ang stint ni Ruby sa Eat Bulaga nang palitan niya si Helen Vela.

Marami naman ang bumati at nag-good luck sa bagong career ni Ruby.