ROXAS, ISABELA – Arestado ang isang barangay kagawad at dating miyembro ng Philippine Army sa isang entrapment operation sa Bgy. Rizal, Roxas, Isabela, kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Daniel Garcia, 49, barangay kagawad ng Bgy. Villanueva at Jefferson Balurin, 32, AWOL, residente ng San Francisco, San Manuel.

Ang biktima naman ay kinilalang si Deslyn Llanes, 21, residente ng San Antonio, nang nasabing bayan.

Ayon sa Roxas Police ng Isabela, nakipag-ugnayan ang biktima sa kanilang istasyon, matapos makipagtransaksyon umano ang mga suspek sa biktima. Ibibigay ang pera sa mga suspek kapalit na pangako na iiwanan nila ang lupa na pinagtatalunan sa Bgy. Imbiao, Roxas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Agad namang nagkasa ng entrapment operation ang mga tauhan ng Roxas Police, Isabela PPO sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Rassel l Tuliao, OIC at ng Isabela Provincial Police Office (Lead unit).

Nakumpiska sa mga suspek ang P1,000; 29 piraso ng P1,000.00 (boodle money);isang unit OPPO cellphone; at isang unit ng Vivo cellphone.

Dinala na ang mga suspek sa Roxas Police Station.