ni DANTE A. LAGANA

Sa nalalapit na Mother’s Day sa May 9 nagkaroon ng Pre-Mother’s Day Special ang Tunay na Buhay ng GMA-7 nito lang Miyerkules, hosted by Pia Arcangel. Sa isinagawang virtual interview ni Pia naging tampok sa istorya nila ay ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Tinalakay ang pagiging isang butihing ina ni Ai-Ai sa kanyang mga anak na sina Sancho, Nikki at Sophia at sa kanilang ampon na si Seth Andre. Inilarawan rin niya ang ugali at katangian ng bawat isa. Aniya, “Magkakaiba rin pero may mga little Ai-Ai sila on the side. Kunwari si Sancho mahilig yun manggaya, si Nikki naman ano hyper yung pagkahyper ko nakuha niya, si Sophia naman Ai-Ai junior, kasi yung mukha ko yung mga mannerisms ko nakukuha niya english version lang siya inglesera.”

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ai-Ai at Gerald

Nahirapan din daw noon si Ai-Ai sa pagpapalaki sa mga anak niya dahil single mother ito. Bagamat malalaki na ang mga anak niya nanatili pa rin ang suporta nito sa kaniyang mga anak. Kuwela ang mga Tiktok na laging kasama ni Ai-Ai ang kanyang adopted son na si Seth Andre.

Sa kanyang husband na si Gerald Sibayan kahit 30 years ang agwat ng edad hindi raw nito naramdaman dahil kahit mag-asawa sila magbarkada rin ang turingan nila sa isat isa. Kasweet nga ng dalawa habang pinapanood.

Karaniwang hilig daw nila ni Ai-Ai ay magchismisan. Aminado nga ang dalawa na pareho silang chismoso’t chismosa. Ang tanong sino kaya ang pinagchichismisan nila? He he he. Sa kanilang relasyon dasal at pagnonovena ang naging pundasyon nilang mag-asawa upang maging matatag ang pagsasama nilang dalawa. Pagsisiwalat ni Ai-Ai certified daw siyang selosa maski bading ay hindi rin nakaligtas pagselosan ng magaling na komedyante. Lahat daw ay pinagseselosan niya sa kanyang asawa.

Pagbabahagi pa nila Ai-Ai at Gerald kasama pa rin sa plano nila ang magkababy sa prosesong In Vitro Fertilization (IVF). Noong 2017 pa raw nag-umpisa ang process ng IVF pero balak nilang this year matupad at pinagpepray nila ito. Yun na!