ni REMY UMEREZ

Contract star na ng Viva ang Cebu based vlogger nasi Sunshine Guimary. Modelo siya ng swimsuits at lingerie. Sa sarili niyang vlog ay kitang-kita ang mapanuksong kaseksihan sa pagsusuot ng bikini at nighties, dahilan para bansagan siyang “Braless Goddess.” Hindi rin matatawaran ang hukbong followers ni Sunshine.

Bida agad si Sunshine sa unang pelikulang Kaka, isang sexy comedy sa direksyon ni G.B Sampedro. Sa istorya, isang sex therapist si DJ Kaka, tagapayo sa mga may problemang seksuwal. Ang kaso ay siya mismo ay may problema pagdating sa pagtatalik bunga ng isang sumpa sa pamilya. Malunasan kaya ito ng reliyosong si Levi played by Ion Perez? Kasama sa cast sina Rosanna Roces, Jerold Napoles at Gina Pareno as Lola Kiri.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter