BENGUET – Tatlong miyembro ng New People’s Army na naka-base sa Abra, ang boluntaryong sumuko sa Benguet Provincial Police Office,Camp Bado Dangwa, La Trinidad nitong Abril 27.

Ito ang kinumpirma ni Capt. Marnie Abellanida, deputy chief ng Regional Public Information Office ng Police Regional Office-Cordillera, at sinabing ang nasabing mga rebelde ay miyembro ng KLG North Abra at pawang nakatala sa Periodic Status Report on the Threat Groups (PSRTG) watchlist ng pulisya.

Ayon kay Abellanida, matapos ang patuloy na negosasyon ng pulisya sa mga kaanakng mga rebelde ay nahikayat ang mga ito na magbalik-loob sa pamahalaan.

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang armas na kinabibilangan ng isang M14 rifle, isang Thompson SMG at iba’t ibang bala.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Zaldy Comanda