ni BETH CAMIA

Hindi natitinag ang gobyerno hinggil sa sinasabing pagpapatigil ng Brazil sa kanilang pag-angkat ng Sputnik V vaccine dahil sa umano’y ilang problema.

Ikinatwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na dumaan na sa proseso ng Food and Drug Administration (FDA) at ng expert panel group ang bakuna ng Gamaleya na pawang nagsabing mas malaki pa rin ang bentahe nito.

Dagdag ni Roque, ang dating mataas na kaso ng Russia ay mas mababa na ngayon at ito’y dahil na rin sa ginagawa nilang vaccination drive.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Marami na rin aniya ang nabakunahan na sa Russia at tila wala naman umanong naiulat na adverse effect nito.

Ngayong Sabado, inaasahang darating sa bansa ang 15,000 doses ng nasabing bakuna.