ni FER TABOY

Dalawang pinaghihinalaang drug pusher ang napatay ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang masamsaman ang mga ito ng 15 kilo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P102 milyon sa buy-bust operation sa Barangay Sta. Ana Ext, Taytay, Rizal, kahapon.

Sa ulat, nakilala lamang sa alyas “Alvin” ang isa sa mga suspek na notorious drug dealer sa Region 4A, Metro Manila at mga kalapit lalawigan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng pangalawang napatay na suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya, si “Alvin” ay isa sa mga distributor ni Michael Lucas na unang naaresto sa Town and Country Homes, Dasmariñas, Cavite, kamakailan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kabilang umano sila sa sindikato na kumukuha ng supply ng droga at tumatanggap ng utos mula sa isang Chinese na naka-base sa Hong Kong.