ni REMY UMEREZ

Nang dahil sa pandemya ay napabayaan ni Ruru Madrid ang kanyang katawan. Ikinabahala ito ng aktor dahil big factor ito sa kanyang propesyon. Sa tulong ng trainer ay nagwork-out siya ngayon sa bahay. Itinigil ang pagkain ng junk food at healthy food ang ipinalit. Sagana siya sa tulog at na-appreciate ang kasiyahang dulot ng reading books.

Nabago ang pananaw ni Ruru sa kanyang career. Sa simula ay just for fun ang kanyang attitude, pero ngayon ay seryoso siya na makamit ang goal bilang aktor.

Isang bagong Ruru Madrid ang napanood ng lumabas sa episode On My Way To You. “A much better version of myself,” wika ng aktor na kinuhang endorser ng isang Beauty derm product.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter