ni Rizaldy Comanda

KABAYAN,Benguet – Dalawang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na nakatalaga sa Gumhang Patrol Base, Tinoc, Ifugao, na responsable sa pagpatay sa isang magkapatid sa Kabayan,Benguet, ang nadakip ng mga tauhan ng Benguet Provincial Police Office at 54th Infantry Battalion ng Philippine Army, kamakailan.

Iniulat ni Police Regional Office-Cordillera Director Brig. Gen. Ronald Lee, ang pagkakadakip sa mga suspek na sina Joel Asingco, 32, at Abron Asingco, alyas ‘Lakay”.

Ayon kay Lee, inireport ng Kabayan Municipal Police ang naganap na pamamaril sa Sitio Lebeng noong Abril 17 kung saan nakilala, ang mga biktima na sina Agustin Sinpoda Ballagan, 59, at Cristiano Sinpod.

Probinsya

NCIP, nagsalita na tungkol sa Mt. Pinatubo trail incident

Sa imbestigasyon, matagal na umanong may alitan ang mga suspek at ang biktima dahil sa lupa.