ni MARY ANN SANTIAGO

Naturukan na rin si Department of Health (DoH) Secretary Francisco Duque III ng bakuna kontra COVID-19.

Naiulat na isinagawa ang pagbabakuna ng unang dose ng Sinovac vaccine kay Duque sa gym ng Department of Health (DOH) sa Maynila, kahapon dakong 10:00 ng umaga.

Dumaan muna umano ang kalihim sa screening process bago tuluyang bakunahan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“As I receive my dose of the COVID-19 vaccine today, I invite everyone to do the same, and choose to be protected,” pahayag pa umano ni Duque, matapos mabakunahan.

“Let us all take part in protecting public health, and let us be in unison in spreading one message: that vaccines are safe, and vaccines are effective,” panawagan pa niya.

Matatandaan na si Duque, na isang senior citizen na, ay nagkaroon ng COVID-19 noon at kaagad din namang gumaling.

Isinagawa ang pagtuturok ng Sinovac nang aprubahan na ang paggamit ng naturang bakuna para sa mga senior citizen.