ni LIEZLE BASA IÑIGO

ISABELA—Nakorner ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya ang dalawang lalaking nagtangkang magpuslit ng anim na kilo ng marijuana sa Santiago City, nitong Biyernes ng madaling araw.

Sina Roger Alfonso Bangngawan, 33, may- asawa, taga-Bgy. Dao-Angan, Balbalan, Pinukpuk, Kalinga, at Raymond Joaquin Ferrer, 28, binata, taga-Pozorubio, Pangasinan, ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Narekober sa dalawa ang anim na bricks ng pinatuyung dahon ng marijuana, isang tubular na may lamang pinatuyong marijuana, drug paraphernalias, at isang sasakyang walang plaka na may kargang mga nilagaring kahoy.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa Presidential Decree 705 o Illegal Logging.