CAMALANIUGAN, Cagayan  -- Naaresto ng pulisya ang isang nurse na itinuturing ‘high value individual’ sa isang drug buy-bust operation kamakailan sa Camalaniugan, Cagayan.

Kinilala ang suspekna si Richard Francis Valencia, 42, may-asawa at taga-Bgy. Dacalla Fugu, Camalaniugan, Cagayan.

Dinampot ni Valencia nang mga tauhan ng Camalaniugan Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency Batanes Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 sa isinagawang drug buy bust operation sa Bgy. Bulala.

Nasamsam sa kanya ang hindi pa madetermina na dami ng illegal drugs. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Liezle Basa Iñigo