MATAPOS mabigong makalaro sa NBA G League, nakatakdang makipagsapalaran ang Filipino teenage basketball sensation na si Kai Sotto sa Australia.

Ito ang ibinalita ni Shams Charania ng The Athletic na nagsabing maglalaro si Sotto para sa koponan ng Adelaide 36ers ng National Basketball League (NBL) ng Australia.

Kasunod ito ng napagkasunduang pag-alis ni Sotto sa NBA G League Ignite program.

Sa kasalukuyan, ang 36ers ay may kartadang 10-14 panalo-talo at nasa ikapitong puwesto ng ginaganap na 9--team league.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Sa paglalaro niya sa 36ers, si Sotto ay mapapailalim sa pagģabay ng American coach na si Conner Henry,na isang dating NBA player nòong huling bahagi ng dekada 80 at naging coach din Orlando Magic.

Sa nakalipas na mga taon, naging alternatibo ang NBL sa US NCAA para sa mga elite prospects na gustong makalaro sa NBA.

Isa sa mga kilalang nanggaling sa NBL si LaMelo Ball na naglaro sać Illawarra Hawks bago napiling third overall ng Charlotte Hornets noong 2020 NBA Rookie Draft. Marivic Awitan