ni STEPHANIE BERNARDINO

Isa si Ogie Diaz sa mga nakatanggap ng detalye hinggil sa ‘cheating issue’ na kinasasangkutan ng YouTuber couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad.

Sa kanyang bagong vlog, tinalakay ni Ogie ang isyu sa pagsasabing, “Isa ako sa mga nalungkot kung bakit nangyari sa kanila ito.”

Pakiramdam ni Ogie mahal pa rin ni Camille si Jayzam sa kabila ng umano’y cheating scandal.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Sa napakahaba niyang post, mararamdaman mo kay Camille na kahit nasaktan siya ng ganun kalalim, kahit ganun kalalim yung sugat na ginawa ni Jayzam, mararamdaman mo pa rin kahit hindi niya sabihin, mahal pa rin niya si Jayzam,” pahayag ni Ogie.

“Ang tatanungin natin ngayon si Jayzam. Kasi ang nasabi lang sa akin ni Jayzam sa IG, nag-DM siya sa akin. Parang ‘Kaya ko to Momshs’ E, meron (pa siyang post na) ‘Di naman tayo bibigyan ng pagsubok ni Lord ng hindi natin kakayanin.”

Ogie

Ayon pa kay Ogie, ibinahagi ni Camille sa kanya ang side ng story nito.

“Nagsabi siya sa akin ‘Ang sakit Sir,’ nag-DM sa akin. So mahal pa rin niya talaga. Kaya lang pinatawad na raw nung una. Kinalimutan na ni Camille yung una… meron pa palang pangalawa, pangatlo, pang apat,” kuwento pa ni Ogie.

Ang payo ni Ogie kay Jayzam: “Kung talagang mahal mo Jayzam si Camille, you win her back. You try to win her back and you try to win her trust and respect again.”

Umaasa pa rin siya na magkakaayos ang dalawa dahil “sayang.”

Nabanggit din ni Ogie na nang makapanayam niya ang JaMill ilang buwan na ang nakalilipas, nagprisinta pa siyang maging ninong ng kanilang future child.

“Basta in all of our actions, be responsible na lang. Pag ginawa, panindigan.”