ni STEPHANIE BERNARDINO

Puno ng pasasalamat ang komedyanteng si Ate Gay matapos nitong malampasan ang isang pagsubok sa kalusugan.

Matatandaang ilang linggo na ang nakalipas ay naospital si Ate Gay dahil sa sakit na pneumonia.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ate Gay

“Isa ito sa tiniis ko.. na nalampasan ko….tiniis kong kumain para mabuhay salamat sa lugaw champorado sopas na bumuhay sa akin ng 20days. maraming salamat Lord,” pagbabahagi ni Ate Gay wrote sa Facebook.

“Nagpagaling nagpalakas.. tiniis ko dahil sa kagustuhan kong mabuhay.. sabi ng doktor pangalawang buhay ko na daw ito ..buti daw at ginusto kong gumalin…,” saad pa niya sa panibagong post.

Sa isa namang live video, sinuguro ni Ate Gay sa kanyang mga fans na “okay” na siya.

Nagpasalamat din ang komedyante sa lahat ng nagdasal, at sa mga kaibigan na nagpaabot ng tulong pinansiyal.

Ilan sa mga celebrities na bumati sa kanya ay sina Ogie Alcasid, Maui Taylor, Lassy, Negi, Juliana Parizcova, Jaya, Giselle Sanchez, Arnold Clavio, Teejay Marquez, Tom Rodriguez, at K Brosas.