ni LEANDRO ALBOROTE

TARLAC CITY - Dinampot ng mga awtoridad ang isang 59-anyos na vendor nang bentahan umano nito ng illegal na droga ang isang police poseur-buyer sa Sitio Pulo, Bgy. San Francisco ng naturang lungsod kahapon ng umaga.

Sa imbestigasyon ni Staff Sergeant Ricardo Milante, ang naaresto ay si Carmelino Dungca, alyas Mines, may-asawa, residente ng Bgy. San Miguel, Tarlac City at nasa drug watchlist ng pulisya.

Hindi na nakapalag ng suspek nang dakpin ng mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Sitio Pulo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nahaharap si Dungca sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.