ni DANNY ESTACIO

CANDELARIA, Quezon - Patay ang isang magsasaka nang barilin sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang lalaki habang nakaupo sa harapan ng kanyang bahay sa Sitio Labrador, Barangay Sta. Catalina Norte, nitong Linggo ng hapon.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Emillio Malaluan, 49, residente ng nasabing lugar.

Bukod sa tama sa ulo ay nagtamo rin ng biktima ng tama ng baril sa kanyang katawan, ayon sa pulisya.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa ulat ng pulisya, nakaupo lamang ang biktima sa harap ng kanyang bahay nang dumating ang hindi nakilalang suspek at bigla na lamang itong binaril. Tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso upang matukoy ang suspek at ang motibo nito.