ni REMY UMEREZ

Dahil sa lockdown ay postponed ang taping ng Nagbabagang Luha. Ang adaptation ng lumang pelikula ni Lorna Tolentino noong dekada 80's at ngayon ay gagampanan ni Glaiza De Castro. Ang bidang lalaki ay si Rayver Cruz.

At habang naghihintay nggo-signal ay inaasikaso ni Glaiza ang kanyang itinatayong Cafe Galura sa bahay bakasyunan ng aktres sa Baler, Quezon. Ideya ito ng kanyang fiancé, negosyanteng Irishman na si David Rainey paghahanda na rin sa sandaling lumagay sila sa tahimik.

Nasa coffee shop business si David at target market niya ang mga dumarayong turista. Kilala ang Baler sa beautiful beaches. Ang nag-disenyo ay si Jovanne Faraon isang architect at surfer na naka-based sa Baler.Ang family name ni Glaiza ay Galura.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter