Tila hindi napigilang uminit ng ulo ni Sen. Loren Legarda kay Department of Energy (DOE) Sec. Sharon Garin dahil sa naging pagkahuli nitong dumalo sa pagdinig nila sa Senado.
Ayon sa isinagawang pagdinig ng pagdinig ng Committee on Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) sa Senado nitong Martes, Marso 24, 2026, nagawang makiisa ni Legarda sa pagkukuwestiyon ng mga kapuwa niya senador na sina Sen. Win Gatchalian at Sen. Kiko Pangilinan kung bakit wala pa sa pagdinig si Garin.
“I join you in asking that no less in the Cabinet level should be here,” pagsisimula niya.
Ani Legarda, hindi naman daw niya isinasawalang-bahala ang pagdalo ni DOE Usec. Felix William Fuentebella ngunit mahalaga raw talagang dumalo si Garin dahil dumalo rin sa nasabing pagdinig ang mga kalihim ng iba pang mga ahensya ng gobyerno.
“Kung nandito ‘yong SFA, bakit hindi ‘yong iba? You’re too busy? Is this not the most important thing, admit there’s a crisis, you must have a crisis action plan, and not that you don’t appreciate the presence of a dear friend, Usec. Wimpy Fuentebella, of course who’s very competent, who’s been with the DOE for quite a while,” diin niya.
Dagdag pa niya, “But to give it importance. If [secretaries] and Sec. Tiu-Laurel could be here, why should the DOE secretary be exempted from this when DBM and NEDA is here.”
Buwelta ni Legarda, tila matiyaga raw ang mga ahensya ng gobyerno kapag nagpapaapruba ng budget sa Senado ngunit marami umanong dahilan kapag crisis action plan na ang kailangang pag-usapan.
“Pag kayo ay humihingi ng budget ninyo, maski overnight, nandyan kayo. Pero kapag crisis action plan, marami kayong dahilan,” patutsada ng senador.
“The Senate will not allow that,” diin pa niya.
Samantala, nagawa namang makahabol at dumalo ni Garin sa nasabing pagdinig sa Senado bandang 1:00 mahigit ng hapon ngunit hindi na nito nagawang magbigay ng tugon o reaksyon sa mga nasaad ni Legarda.
MAKI-BALITA: 'Nasa krisis na tayo!' Sen. Win Gatchalian, tumirada sa debatehan sa oil crisis
MAKI-BALITA: Ilang senador, inaapura ang Palasyo na magdeklara ng ‘state of national emergency’