May 22, 2026

Home BALITA National

'Nasa krisis na tayo!' Sen. Win Gatchalian, tumirada sa debatehan sa oil crisis

'Nasa krisis na tayo!' Sen. Win Gatchalian, tumirada sa debatehan sa oil crisis
Photo courtesy; MB FILE PHOTO

Tila pumagitna si Sen. Sherwin Gatchalian kaugnay sa maiinit na mga debatahen kung maaari na bang ituring na nasa gitna na ng krisis ang Pilipinas dulot ng sigalot na nangyayari sa Middle East. 

Matatandaan kasing inilahad ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro sa publiko sa isinagawa niyang press briefing noong Lunes, Marso 23, na wala pa raw maaaring tawaging oil crisis sa bansa, base na rin daw sa naging pahayag ni Department of Energy Sec, Sharon Garin tungkol sa usapin ng krisis. 

“Ang nais pong sabihin ng Pangulo patungkol sa oil crisis, pinapatungkulan niya po doon ay ang oil crisis sa Middle East. Pero sa ngayon po, sa atin, at sa payo ni Secretary Garin sa ating Pangulo, wala pa po tayong maaaring tawaging oil crisis sa bansa,” saad ni Castro.

KAUGNAY NA BALITA: Walang krisis sa suplay ng langis pero price disruption, 'maybe meron'—Palasyo

Ayon sa naging pahayag ni Gatchalian sa isinagawang pagdinig ng Committee on Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) sa Senado nito ring Martes, sinabi niyang aktuwal daw na nasa krisis na Pilipinas base sa pananaw nilang mga senador. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Parang hanggang ngayon, nagdedebate pa tayo kung nasa crisis tayo o hindi tayo sa crisis,” pagsisimula niya. 

Diin niya, “Para sa amin, dito sa Senado, nasa crisis na tayo.” 

Paliwanag ni Gatchalian, kahit pa raw sabihin na may stock ang bansa ng gasolina na maaari pang tumagal sa loob ng 53 mga araw at diesel na tatagal pa naman sa loob ng anim na mga araw, ngunit kung wala na raw kasiguraduhan kung makakakuha pa ng supply ng mga nabanggit, maituturing daw na nasa krisis na talaga ang bansa. 

“Kung uncertain ang supply, kahit na mayroon tayong stock on land pero hindi natin alam kung may darating, para sa akin [ay] crisis na ‘yon,” paglilinaw niya. 

Samantala, kaugnay nito, kinalampag ng ilang senador ang Malacañang na magdeklara na ng “state of national emergency” sa nasabing umiigting na tensyon at sigalot na nagaganap sa Middle East. 

KAUGNAY NA BALITA: Ilang senador, inaapura ang Palasyo na magdeklara ng ‘state of national emergency’

KAUGNAY NA BALITA: Average supply ng langis sa bansa, aabot na lang sa 45 na araw—DOE