Kung ganito ang masasakyan mong jeep, magwa-123 ka pa ba?
Kinaaaliwan ng netizens ang isang trending TikTok video kung saan makikita ang isang hindi pang-karaniwang jeep.
Paano ba naman kasi, hindi na kailangan pang sumigaw ng "para" ng mga pasahero para makababa, isang pindot lang, maaalarma na ang driver at agad itong hihinto!
Bukod dito, may free Wi-Fi din ang jeep, at libre itong magagamit. Pati sa pagbabayad ng pamasahe, tumatanggap ang driver ng digital payment!
Hindi rin tulad ng ibang jeep na mainit kung sasakyan, sa jeep na nabanggit ay may electric fan na tiyak mananatiling presko hanggang makarating sa pupuntahan niya ang sakay.
Pero ang "pinakapasabog" daw sa lahat, may CCTV na nakakabit sa loob ng jeep, at kung walang balak magbayad ang pasahero, walang kawala!
Sa TikTok video na ibinahagi ng netizen na si aabbyreyes, makikita ang nasabing jeep na may Wi-Fi na, may electric fan din, may digital payment na, at may CCTV pa!
“Jeepney pro max,” mababasa sa post ng netizen.
Hindi naman napigilan ng netizens na ibahagi ang kanilang komento at reaksiyon sa nasabing jeep.
“for sure successful na ang kanyang daughters/son, ayaw na nila payagan mamasada ni tatay pero siya na lang may gusto ginawa na lang hobbies ganern atake HSHAHAHAA”
“God knows hudas not pay caught in 4k”
“may cashless option pa yan sha”
“nabored lang ata sa bahay si kuya”
“jeepney with alcohol for disinfecting, fan, free wifi, tv, humidifier, and cctv. parang hobby lang ni kuya mamasada ah HAHAHAHAHAHAHAHA”
“Sa mga nahihiya magsabi ng para, okay 'to ah”
"Oh ung dalawa sa Camera 4 hindi pa nagbabayad"
“one time nasakyan ko yan… bilib na bilib ako sa jeep na yan ang cool lang kase ramdam kong safe ako sa byahe HAHAHAHHAHAA”
Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na ang viral TikTok video sa 5.6 milyon views, 745.3k hearts, 3,409 comments, at 318.7k shares.