Nagdeklara si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ng "state of national energy emergency" sa bansa nitong Martes, Marso 24, kasunod ng patuloy na tensyon sa Middle East na nakaapekto sa suplay ng langis sa maraming bansa, kasama na ang Pilipinas.
Batay sa inilabas na Executive Order No. 110 nito ring Martes, binigyang-diin ni PBBM na ang umiigting na sigalot sa rehiyon partikular sa pagitan ng United States, Israel, at Iran, ay nagdudulot ng panganib sa energy security o sapat at matatag na suplay ng enerhiya sa bansa.
Maki-Balita: PBBM, nagdeklara ng state of national energy emergency!
Kung babalikan ang mga naganap sa nakalipas na buwan, dahil sa conflict, naaapektuhan ang produksyon at transportasyon ng langis. Nagiging hindi tiyak ang global oil supply at tumataas ang presyo, na direktang banta sa energy security ng Pilipinas.
Maki-Balita: US Pres. Donald Trump, inanunsyo simula ng major combat operation vs Iran!
Maki-Balita: ALAMIN: Bakit inatake ng US at Israel ang Iran na nagdulot ng tensyon sa Middle East?
Matatandaang nagsimula ang sigalot noong mga huling araw ng Pebrero, matapos atakihin ng US at Israel ang Iran, na ikinamatay ng supreme leader nitong si Ayatollah Ali Khamenei.
Maki-Balita: KILALANIN: Sino si Ayatollah Ali Khamenei?
Maki-Balita: Kaanak ni Iranian supreme leader Ali Khamenei, nasawi sa airstrikes ng US, Israel
Simula noon ay nagsimula na ang "krisis," hanggang sa naramdaman na rin ito sa Pilipinas sa isyu ng langis, dahil talaga namang sumipa ang presyo nito.
Kaya naman, umani rin ng iba't ibang reaksiyon at komento ang naging pahayag ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na wala pang krisis ng langis sa bansa, lahat ay "under control," gayundin ang sinabi ni PBBM na "Everything is normal."
Maki-Balita: Walang krisis sa suplay ng langis pero price disruption, 'maybe meron'—Palasyo
Maki-Balita: PBBM sa pagsuspinde sa fuel excise tax: 'When the situation calls for it!'
Maki-Balita: Palasyo sa apelang state of nat’l emergency: ‘PBBM, gobyerno still in control of the situation!’
Nitong Marso, naitala rin ang "historic record low" ng piso kontra dolyar, na sumadsad sa ₱60.
Ito ang unang beses na pumalo sa ₱60 ang palitan ng Philippine Peso laban sa US Dollars.
Maki-Balita: Bagong record low! Piso, lumagapak sa ₱60 kontra dolyar
Mabalik sa EO 110, nabanggit din ang isang anyong-tubig na malapit sa Iran, na bagama't makipot lamang, ay malaki naman ang epekto sa usapin ng langis: ang Strait of Hormuz.
Maki-Balita: ALAMIN: Bakit mahalaga ang ‘Strait of Hormuz’ sa bentahan ng langis ng mga bansa?
Ipinaliwanag din sa EO 110 na ang Strait of Hormuz ay isa sa pinakamahalagang ruta ng langis sa mundo. Kapag nagsara ito, mahihirapan ang pagdaloy ng langis sa global market.
Ibig sabihin, posibleng magkaroon ng kakulangan sa suplay at lalo pang tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Ipinaliwanag sa kautusan na ang Pilipinas, bilang isang bansang umaasa sa inaangkat na produktong petrolyo, ay lubhang vulnerable sa anumang pagkagambala sa global oil supply chain.
Dahil dito, kinakailangang kumilos ang pamahalaan upang maiwasan ang kakulangan sa enerhiya na maaaring makaapekto sa ekonomiya at pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Binanggit din sa kautusan na ang nagbabala ang Department of Energy (DOE) tungkol sa posibleng kakulangan sa enerhiya.
Maki-Balita: ‘We need to expect that!' DOE, kinumpirma posibilidad na pagratsada ng presyo ng produktong petrolyo
Ayon pa rito, may legal na batayan ang Pangulo sa ilalim ng batas, alinsunod sa Republic Act (RA) 7638 o Department of Energy Act of 1992.
Batay sa website ng DOE, published as is, may layunin ang batas na "(i) ensure a continuous, adequate, and economic supply of energy with the end in view of ultimately achieving self-reliance in the country's energy requirements through the integrated and intensive exploration, production, management, and development of the country's indigenous energy resources, and through the judicious conservation, renewal and efficient utilization of energy to keep pace with the country's growth and economic development and taking into consideration the active participation of the private sector in the various areas of energy resource development; and (ii) rationalize, integrate, and coordinate the various programs of the Government towards self-sufficiency and enhanced productivity in power and energy without sacrificing ecological concerns."
Kaya naman, may kapangyarihan ang Pangulo sa ilalim ng Konstitusyon na kontrolin ang mga ahensya ng gobyerno patungkol sa usapin ng enerhiya. Ito ang nagbibigay-lakas sa Pangulo para utusan ang lahat ng executive departments na sumunod at magpatupad ng mga kinakailangang hakbang.
May kapangyarihan din ang Pangulo na mag-supervise sa local government units (LGU). Hindi lamang national agencies, kundi maging pati LGUs ay kailangang sumunod at makiisa sa mga hakbang para sa energy emergency.
Ang pagdedeklara ng energy emergency ay makakatulong sa coordinated na aksyon ng gobyerno. Sa pamamagitan ng deklarasyon, mas mapapabilis ang pagpapatupad ng mga solusyon upang mabawasan ang epekto ng global energy crisis sa bansa.
Posible ring magbigay-daan ito sa gobyerno na gamitin ang mga calamity at contingency funds upang matugunan ang epekto ng krisis sa enerhiya, lalo na ang paglobo ng presyo ng krudo at kuryente.
Pinahihintulutan din ang DOE na magsagawa ng mga hakbang tulad ng advance payments o pagkakaroon ng buffer stock para makasiguro ng sapat na suplay ng petrolyo.
Posible rin ang pag-utang ng pamahalaan para sa mga gastusing kaugnay sa krisis.
UNIFIED PACKAGE FOR LIVELIHOODS, INDUSTRY, FOOD, AND TRANSPORT (UPLIFT) COMMITTEE
Sa ilalim din ng deklarasyon, pinahintulutan ang pagpapatupad ng programang "Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT)."
Layunin nitong tiyakin ang tuloy-tuloy na suplay ng enerhiya at mapagaan ang epekto ng krisis sa mga sektor ng transportasyon, agrikultura, at iba pang kritikal na industriya.
Bubuo rin ng isang UPLIFT Committee na pamumunuan ng Pangulo upang mangasiwa sa implementasyon ng mga hakbang. Kabilang sa mga miyembro nito ang mga kalihim ng mga pangunahing ahensya tulad ng:
- Department of Energy (DE)
- Department of Transportation (DOTr)
- Department of Social Welfare and Development (DSWD)
- Department of Agriculture (DA)
- Department of Finance (DOF)
- Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev)
- Department of Budget and Management (DBM)
Isa sa mga tungkulin ng komite ay bantayan ang distribusyon at sapat na suplay ng fuel, pagkain, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan, habang pinatitibay ang koordinasyon ng pamahalaan sa harap ng posibleng krisis.
Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na detalye hinggil sa eksaktong epekto nito sa presyo ng langis at kuryente, ngunit inaasahan ang posibleng pagpapatupad ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya at iba pang contingency measures sa mga susunod na araw.
Photo courtesy: via MB File Photo