ni Beth Camia
Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko na hindi ligtas kainin ang mga shellfish mula sa karagatang sakop ng ilang probinsya.
Ito at dahil positibo sa red tide ang mga lamang dagat na nakukuha sa ilang baybayin sa ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; Coastal Waters sa Calubian, Leyte; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; at Lianga Bay at Coastal waters sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Base sa pagsusuri ng BFAR, positibo sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish mula sa mga nabanggit na lugar at lagpas sa regulatory limit.
Partikular na ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain ng alamang.
Gayunman, tiniyak naman ng BFAR na maaaring kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango pero kailangang siguraduhin lamang na sariwa ang mga ito at lutuing mabuti. Kailangan din na tanggalin ang mga lamang loob at kaliskis.
Nilinaw naman ng BFAR na ligtas sa red tide ang baybaying dagat sa Cancabato Bay sa Tacloban City sa Leyte.